Tataasan ang parusa sa sino mang tao o may-ari ng kompanya na magsasagawa ng paghahalo sa mga produktong petrolyo upang lumaki ang kanilang tubo.

Naghain si Rep. Reynaldo V. Umali (2nd District, Oriental Mindoro) ng panukala na pabigatin ang parusa sa pagbebenta, distribusyon, pagpapalit ng adulterated petroleum products o paghahalo ng mga ito.

“The unwitting use of institutionally adulterated diesel (IAD) in transport vehicles, particularly buses, trucks and jeepneys is the primary and major cause of smoke belching,” banggit ni Umali sa kanyang House Bill 6121.

Ang multang P10,000 bunsod ng administrative sanctions sa ilalim ng Presidential Decree 1865 ay gagawing P100,000.

'Para pa ba sa akin 'to?' Zephanie, muntik nang umexit sa showbiz

Sa Section 4, ang multang P20,000 pero hindi lalampas sa P50, 000 o pagkabilanggo ng dalawang taon ngunit hindi lampas sa limang taon, ay gagawing P300, 000 subalit hindi lalampas sa P500, 000 o pagkakakulong ng tatlong taon ngunit hindi lampas sa anim na taon. (Bert de Guzman)