Sinuspinde ng Office of the Ombudsman ng tatlong buwan ang alkalde ng Negros Occidental na tiyuhin ng Philippine Basketball Association (PBA) player na si James Yap, dahil sa kasong graft.

Bukod kay Mayor Melencio Yap ng Escalante City, Negros Occidental, tatlong buwan ding sinuspinde si City Treasurer Wilfredo Ruiz, Budget Officer Roy Caralde, at City Cccountant Arnulfa Denoso.

Ayon sa anti-graft court, napatunayang guilty ang alkalde sa kasong simple misconduct dahil sa paglagda sa voucher at tseke na ginagamit ng Sangguniang Panlungsod noong 2008-2009.

Sinabi ng Ombudsman na may paglabag sa batas si Yap dahil ang bise-alkalde sana ang may karapatan sa paglagda sa naturang mga dokumento.

National

'Huwag maging anay!' Usec. Castro, binuweltahan reaksyon ni VP Sara sa ₱20 na bigas

Pansamantalang pinanumpa sa tungkulin bilang acting city mayor si Santiago Maravillas, na bise-alkalde sa nasabing lugar. - Rommel P. Tabbad