August 05, 2026

Home BALITA National

VP Sara, bumisita kina Marcoleta, Estrada, Defensor sa QC Jail—BJMP

VP Sara, bumisita kina Marcoleta, Estrada, Defensor sa QC Jail—BJMP
Photo courtesy: MB

Kinumpirma ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang naging pagbisita ni Vice President Sara Duterte kina Sen. Rodante Marcoleta, Sen. Jinggoy Estrada, at dating Anakalusugan Partylist Rep. Mike Defensor sa Quezon City Jail noong Martes, Agosto 4, 2026.

Matatandaang naglabas ng opisyal na pahayag ang Office of the Vice President (OVP) noong Hulyo 21 kaugnay sa naging paglipad ni VP Sara papunta sa mga bansang Qatar, United Kingdom, at Netherlands upang makiisa noon sa event ng Filipino community (FilCom) sa UK, at pupunta ng The Netherlands si VP Sara sa layuning palakasin ang interes ng Pilipinas abroad.

KAUGNAY NA BALITA: VP Sara, lumipad papuntang Qatar, UK, Netherlands; 'di raw gastos ng gov't funds!

Samantala noong Martes, umugong ang mga balita ng naging pagbisita ni VP Sara kina Marcoleta, Estrada, at Defensor sa QC Jail.

Matatandaan kasing nahaharap si Estrada sa non-bailable plunder case at graft complaints kaugnay sa umano’y ₱573 milyong kickbacks sa maanomalyang flood control projects mula sa Department of Public Works and Highways (DPWH).

National

SC, ibinasura petisyon nina Atty. Torreon, VP Sara vs Kamara!

Habang nahaharap naman sina Marcoleta at Defensor sa mga kasong non-bailable plunder case, indirect bribery, at paglabag sa tatlong counts ng Presidential Decree No. 46 na nagbabawal sa mga opisyal ng pamahalaan na tumanggap o magbigay ng regalo sa mga pribadong indibidwal.

Sa naging kumpirmasyon naman ni Spokesperson JSupt. Jayrex Bustinera sa media nitong Miyerkules, Agosto 5, sinabi niyang dumalaw umano si VP Sara kina Marcoleta, Estrada, at Defensor bandang 12:00 ng tanghali at nakaalis naman bandang 3:20 ng hapon noong Martes.

“She arrived at around 12:00 noon and left at approximately 3:20 p.m. During her visit, she met with Senator Rodante Dizon Marcoleta, Senator Jose Pimentel Ejercito Jr., known as Jinggoy E. Estrada, and former Congressman Michael Tan Defensor,” ani Bustinera.

Samantala, habang sinusulat ito, wala pa namang inilalabas reaksyon o pahayag si VP Sara kaugnay rito.

KAUGNAY NA BALITA: 'Nalulungkot ako!' Sen. Marcoleta, tumiradang kasama niyang nakakulong taumbayan

KAUGNAY NA BALITA: Mike Defensor, dinala na sa Sandiganbayan sa pagdinig ng kasong plunder!