July 29, 2026

Home BALITA National

'Nalulungkot ako!' Sen. Marcoleta, tumiradang kasama niyang nakakulong taumbayan

'Nalulungkot ako!' Sen. Marcoleta, tumiradang kasama niyang nakakulong taumbayan
Photo courtesy: MB

Bumanat si Sen. Rodante Marcoleta kaugnay sa kalungkutan umano niya at hindi lang daw siya ang nakakulong kundi pati na rin ang taumbayan. 

Sa naging pahayag ni Marcoleta sa panayam sa kaniya ng media noong Martes, Hulyo 28, sinabi niyang nalulungkot daw talaga siya sa kaniyang pagkakapiit sa kulungan. 

“Nakakalungkot talaga. Nalulungkot ako sapagkat hindi lang ako ang nakakulong. Ang nakakulong dito, ang taumbayan,” pagsisimula niya. 

Ani Marcoleta, hindi pa rin daw naibibigay sa taumbayan ang matagal na umano nilang hinahanap na katotohanan. 

“Anong nakakulong dito? ‘Yong kanilang hinahanap na katotohanan, hanggang ngayon ay hindi naibibigay sa kanila,” aniya. 

National

Sen. Ping sa 'malicious,' 'delicious' ni Sen. Alan: 'Bumigay na yata!'

Pagpapatuloy pa ni Marcoleta, patuloy pa rin daw na nagtatago ang umano’y mga sangkot sa malakihang anomalya at korapsyon nagaganap sa bansa. 

“Hanggang ngayon nakakubli ang lahat ng taong may kagagawan nito,” pagtatapos niya. 

Matatandaang isa sa mga pinagtuunan ni Marcoleta ang usapin tungkol sa maanomalyang flood control projects noon. 

Sa kasalukuyan, nakapiit si Marcoleta sa kustodiya ng New Quezon City Jail, Male Dormitory sa Payatas, Quezon City dahil sa kinakaharap niyang mga kasong non-bailable plunder case, indirect bribery, at paglabag sa tatlong counts ng Presidential Decree No. 46 na nagbabawal sa mga opisyal ng pamahalaan na tumanggap o magbigay ng regalo sa mga pribadong indibidwal.

KAUGNAY NA BALITA: Sen. Marcoleta sa 'ex-speaker' na malapit nang kasuhan: 'Ganoon lang?'

KAUGNAY NA BALITA: Sigaw ni Marcoleta sa mga kaso: 'Not guilty!'