Bahagyang bumaba sa 6.2% ang headline o overall inflation rate sa Pilipinas, batay sa datos na inilabas ng Philippine Statistics Authority (PSA) nitong Miyerkules, Agosto 5.
Ayon sa ulat ng ahensya, mas mababa ito nang kaunti kung ikukumpara sa 6.4% na inflation rate nitong Hunyo 2026—ngunit labis namang mas mataas sa talang 0.9% noong Hulyo 2025.
MAKI-BALITA: Inflation, bumaba sa 6.4% nitong Hunyo 2026!-Balita
Ayon sa PSA, ilan lamang sa “main drivers” ng pagbaba ng inflation rate sa buwan ng Hulyo ay ang mas mabagal na annual increase pagdating sa transport index, na may talang 11.9%, mas mababa sa 12.8% noong Hunyo.
Gayundin ang mas mabagal na annual growth rates pagdating naman sa indices ng education service—1.9% noong Hulyo, habang 4.0% naman nung Hunyo.
Ilan din sa “main contributors” para sa nasabing headline inflation noong Hulyo ay ang commodity groups na food and non-alcoholic beverages (32.1%); housing, water, electricity, gas and other fuels (26.8%); at transport (17.4%).
Ito na ang ikatlong sunod na buwang bumaba ang inflation rate sa Pilipinas ngayong taon, matapos ang pagbaba nito noong Mayo at Hunyo.
Matatandaang base sa inilabas na month-ahead inflation forecast ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) noong Biyernes, Hulyo 31, pasok ito sa projected July inflation rate ng central bank, na posible raw pumalo sa pagitan ng 5.6% hanggang 6.6%.
MAKI-BALITA: July inflation, maaaring umabot ng 5.6% hanggang 6.6%—BSP-Balita
Photo courtesy: MB