July 08, 2026

Home BALITA National

Inflation, bumaba sa 6.4% nitong Hunyo 2026!

Inflation, bumaba sa 6.4% nitong Hunyo 2026!
Photo courtesy: MB


Bumaba sa 6.4% ang headline inflation sa Pilipinas noong buwan ng Hunyo, batay sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA) nitong Martes, Hulyo 7.

Ayon sa PSA, mas mababa ito kung ikukumpara sa 6.8% noong Mayo 2026—ngunit hindi hamak na mas mataas sa 1.4% noong Hunyo 2025.

Base pa sa tala ng ahensya, ang ilan sa main contributors ng June 2026 inflation ay ang food and non-alcoholic beverages (31.4%); housing, water, electricity, gas, and other fuels (26.0%); at transport (18.4%).

Ito na ang ikalawang sunod na buwang bumaba ang inflation rate sa bansa, matapos ang pagbaba rin nito noong Mayo 2026. 

MAKI-BALITA: Inflation nitong Mayo, bumaba sa 6.8% kontra 7.2% noong Abril-Balita

Photo courtesy: Philippine Statistics Authority/website