TALON PA  Si Kevin Alas ng NLEX ay naipasok ang bola sa basket habang nakabantay sina Jason Castro at Troy Rosario ng Talk ‘N Text sa knock out game ng PBA Philippine Cup sa MOA Arena, Pasay City.  Bob Dungo Jr.
TALON PA Si Kevin Alas ng NLEX ay naipasok ang bola sa basket habang nakabantay sina Jason Castro at Troy Rosario ng Talk ‘N Text sa knock out game ng PBA Philippine Cup sa MOA Arena, Pasay City.
Bob Dungo Jr.

Nakatakdang ibalik ng koponang NLEX ang import na nakatulong sa kanila para maitala ang pinakamataas na pagtatapos sa liga para sa darating na 2016 PBA Commissioners Cup.

Mismong si coach Boyet Fernandez ang napahayag na nakatakdang kunin muli ng Road Warriors biang reinforcement ang NBA veteran na si Al Thornton para sa mid-season conference.

“We’re looking forward to him as our import,” ani Fernandez

Romualdez, pinasalamatan tennis player na si Alex Eala

Sa pangunguna ni Thornton , naitala ng NLEX ang fifth place finish noong nakaraang taong Commissionner’s Cup kung saan umabot sila ng quarterfinals at natalo sa best of 3 series sa Meralco Bolts.

Ang nabanggit na fifth place finish ang kanilang pinakamataas na pagtatapos sa kasaysayan ng kanilang prangkisa.

“He (Thornton) did a good job on us the last conference, so bigyan naman natin siya ng credit for it,” ayon pa kay Fernandez.

Inaasahan ng NLEX ang pagdating ni Thorthon sa bansa sa ikalawang linggo ng Enero.

Umaasa ang coaching staff ng Road Warriors na magiging maganda ang kumbinasyon nina Thorthon kina Asi Taulava at Sean Anthony.

“Looking at the line up, Sean is comfortable playing the no. 4, Asia at no. 5, and Thornton at no. 3, kaya medyo mas malakas kami ng konti this time,”ayon pa kay Fernandez. - Marivic Awitan