Bill Cosby Performs At The Treasure Island

NAGPIYANSA si Bill Cosby ng $1 million sa isang korte sa Elkins, Philadelhia nitong Miyerkules, at sinagot niya ang mga reklamong ipinupukol sa kanya kaugnay ng pang-aabuso niya umano sa 50 babae sa loob ng apat na dekada.

Hindi umapela ang Cosby Show star, 78, na nagsasabing siya ay inosente, sa isang kaso habang isinasagawa ang arraignment sa isang courtroom sa Philadelphia. Ang kaso ay may parusang 10 taong pagkakakulong at may $25,000 multa. Hindi rin siya nagsalita sa mga mamamahayag na nagsiksikan sa courtroom.

Isinuko ni Cosby ang kanyang pasaporte, kinuha ang fingerprint at kinuhanan muna ng litrato bago tuluyang pinalabas.

Tsika at Intriga

Kyline Alcantara, in-unfollow na si Kobe Paras!

Itinakda sa Enero 14 ang kanyang preliminary hearing.

Kaugnay nito, nagbigay ng pahayag ang mga abogado ni Cosby matapos ang arraignment at sinabing: “The charge by the Montgomery County District Attorney’s office came as no surprise, filed 12 years after the alleged incident and coming on the heels of a hotly contested election for this county’s DA during which this case was made the focal point,” ayon sa pahayag. “Make no mistake, we intend to mount a vigorous defense against this unjustified charge and we expect that Mr. Cosby will be exonerated by a court of law.”

Nag-ugat ang mga kasong kinakaharap ni Cosby sa reklamo ni Andrea Constad, na nagsabing inatake siya ni Cosby habang naghahapunan sila sa kanyang tahanan. Binigyan umano siya ng “herbal pills,” ni Cosby bago nito “touched her breasts and vaginal area, rubbed his penis against her hand, and digitally penetrated her.”

Muling binuksan ng bagong district attorney ang kaso ni Constad, at kinasuhan ang komedyante ilang araw bago maabot ang statute of limitations.

Sinabi ng abogadong si Gloria Allred, tagapagsalita ng grupo ng kababaihan, na susuportahan nila si Constad.

“Many of my clients will be willing to testify and we look forward to a just result,” sinabi niya sa isang news conference. - Yahoo News/Celebrity