Kapwa nakuha nina Japanese WBO super flyweight champion Naoya Inoue at No. 1 contender Filipino Warlito Parrenas ang timbang sa kanilang dibisyon kaya tuloy ang kanilang laban ngayong araw sa Ariake Collesseum sa Tokyo, Japan.

Tumimbang si Inoue sa 114.9 lbs para sa kanyang unang depensa ng WBO 115 pounds crown samantalang mas magaan si Parrenas sa eksaktong 114-pounds.

“The bout marks the long awaited return of the best super flyweight in the world and the reigning Fighter of the Year, who has been out due to injury.

“Inoue’s destructive blitzing of (Argentina’ s Omar) Narvaez capped a banner year in which he also took out the leading junior flyweight in the world in Adrian Hernandez,” ayon sa ulat ng BoxingScene.com. “The win netted him a major title in just 6th pro fight, quicker than any other Japan-born fighter in boxing history.”

PBA, hinihingi panig ni Amores; makabalik pa kaya sa liga?

Huling lumaban ang 32-anyos at tubong Negros Occidental na si Parrenas noong Hulyo 4 sa Hermosillo, Sonora, Mexico kung saan kontrobersiyal na nagtabla ang laban nila ni WBO No. 2 contender David Carmona para sa interim WBO super flyweight title.

Nagkasundo ang kampo nina Parrenas at Carmona na unang hahamunin ng Pinoy boxer si Inoue at sinuman ang manalo ay magdedepensa sa Mexican na WBO Latino champion ngayon.

May kartada si Parrenas na 24-6-1, win-loss-draw, na may 21 panalo sa knockouts samantalang may perpektong rekord na 8 panalo, 7 sa knockouts si Inoue nagpaplano nang umakyat sa bantamweight division o magdepensa kay WBC flyweight champion Roman ‘Chocolatito’ Gonzalez ng Nicaragua.

Sa undercard ng laban, hahamunin ni IBO International super flyweight champion at WBO No. 13 Rene Dacquel ng Pilipinas si OPBF junior bantamweight titlist at WBC No. 5 Takume Inoue ng Japan sa loob ng 12 rounds.

Kakasa naman si Pinoy boxer Jestini Autida kay WBO No. 8, IBF No. 8 at WBC No. 9 Ryo Matsumoto ng Japan sa 10-round non-tile bout. (Gilbert Espeña)