AYON sa mga dumalo sa 2015 MMFF Awards Night last Sunday, “starless” ang nasabing event dahil walang big stars na dumating lalo na ‘yong mga artistang kasali sa 8 official entries sa taunang film festival.

Wala ang mga artista ng Beauty and the Bestie na sina Vice Ganda at Coco Martin, wala rin ang tambalang James Reid at Nadine Samonte at Jodi Sta. Maria-Ian Veneracion.

Wala rin ang lead star ng All You Need is Pag-ibig na nagbabakasyon sa Hawaii kasama ang mga anak, maging sina Vic Sotto, Ai Ai delas Alas at AlDub tandem ng My Pabebe Love ay kapuna-punang inisnab ang gabi ng parangal. 

Nabigo rin ang fans na nag-abang na makita si Alden Richards at si Maine Mendoza na hindi nakarating para tanggapin ang parangal bilang Best Supporting Actress.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Big winners ng gabi sina Jericho Rosales at Jennylyn Mercado, ang pinarangalan bilang Best Actor at Best Actress para sa pelikulang #Walang Forever. Si Jennylyn na lang ang tumanggap ng award for Jericho na hindi rin dumalo.

Maging ang best director ng gabi na si Erik Matti para sa Honor Thy Father ay hindi rin sumipot dahil sa sama ng loob sa pamunuan ng MMFF over Honor Thy Father disqualification sa Best Picture category.

Kontrobersiyal na naman talaga ang MMFF. (ADOR SALUTA)