NABUKING pa rin kung saang bansa nagbakasyon for 15 days si Kris Aquino at mga anak na sina Josh at Bimby kahit hindi sinabi ng TV host-actress sa presscon niya para sa All You Need is Pag-ibig for security reason.

Ang mga kababayan na rin natin sa Hawaii ang unang nagbuking na nasa Honolulu, Hawaii sina Kris at mga anak. Nasundan ito nang mag-post si Kris ng pictures na nasa nasabing parte ng Amerika na nga sila. In an earlier post, binanggit niyang ang Hawaii ang nagiging favorite vacation place nilang mag-iina.

Sa Honolulu na rin magsi-celebrate ng New Year sina Kris at sa pagbabalik nila ng bansa, sana hindi masira ang isa sa New Year’s Resolution niya na bigyan ng priority ang kanyang health. Less work na raw siya for 2016, pero may nabanggit na bagong show na gagawin na sabi niya, sa kanyang pagbalik pa pag-uusapan.

Isa sa mga gustong gawin ni Kris sa 2016 ay ituloy ang plano na maglabas ng libro, isang coffee table book na collaboration with Summit Publication.

Gerald Anderson, gusto na raw magkapamilya?

“Baka ma-preempt, pero hindi tungkol sa relationship ko ang book. This is book of my life, iba-ibang aspeto. Good quality siya like the book of Judy Ann (Santos),” sabi niya.

Samantala, nabanggit ni Kris na baka magka-album si Bimby dahil pinangakuan ng parents nina Julia at Talia (child stars na kasama sa All You Need is Pag-ibig) na gagawan nila ng album si Bimby.

“Asang-asa si Bimby na matutuloy ang paggawa niya ng album. He can carry a tune, pero mas magaling siyang sumayaw,” pagmamalaki ni Kris sa anak.—Nitz Miralles