ALCALA, Pangasinan – Patay ang isang 19-anyos na estudyante habang tinatangkang iligtas ang nalulunod niyang kaibigan sa Agno River sa Barangay Laoac sa bayang ito, noong Pasko.

Sinabi ng Alcala Police na nangyari ang insidente dakong 2:10 ng hapon noong Disyembre 25, matapos tangkain ni Edmark Paul Malaso, 19, binata, ng Bgy. Legaspi, San Manuel, Tarlac, na iligtas ang nalulunod niyang kaibigan.

Nagsasagawa pa ng search at retrieval operation habang sinusulat ang balitang ito. (Liezle Basa Iñigo)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog