BALER, Aurora – Hangad ng Aurora Police Provincial Office ang zero casualty sa ligaw na bala sa mga magdiriwang ng Bagong Taon.

Sinabi ni Senior Supt. Danilo Florentino, Aurora Police Provincial Office director, na nabigyang babala na ang buong pulisya sa lalawigan tungkol sa mga epekto ng indiscriminate firing, na maaaring magresulta sa pagkasibak sa serbisyo ng sinumang pulis.

“Nananawagan ako sa ating mga pulis at sundalo rito sa Aurora, at sa lahat ng gun owners, na huwag magpaputok ng kanilang baril upang maiwasan ang pagkasugat at pagkamatay ngayong Yuletide,” ani Florentino.

Bukod dito, sinabi ni Florentino na ang Aurora Provincial Police Office at ang iba’t ibang himpilan ng mga municipal police sa lalawigan ay idineklarang mga “no firecracker zone.” (PNA)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog