Janella Salvador at Elmo Magalona
Janella Salvador at Elmo Magalona

IPAPAKITA nina Elmo Magalona at Janella Salvador ang kahalagahan ng pagpapakumbaba sa pamaskong handog ng Wansapanataym Presents Si Maganda at Ang Chauvinist Baboy ngayong Linggo (Dec 27).

Anak ng matulunging mag-asawa na sina Carlos at Anna ang batang si Jessie (Elmo) kaya napusuan siyang gawing inaanak ng dalawang fairies ni Santa Claus. Biniyayaan ng fairies si Jessie ng kakisigan at katalinuhan, kaya nang magbinata ay maraming babae ang nagkakagusto sa kanya. Ngunit dahil sa labis na atensiyong nakukuha, yumabang at tumaas ang tingin ni Jessie sa kanyang sarili. Ikinadismaya ang ugaling niyang ito ni Irene (Janella Salvador), ang babaeng humahanga kay Jessie at ang favorite letter sender ng dalawang fairies.

Gamit ang magic eyeglasses mula sa fairies, nakita ni Irene na anyong baboy ang puso ni Jessie na sumasalamin sa pagkatao nito. Para hindi na ito makapanakit pa ng ibang mga babae, hiniling ni Irene na maging baboy si Jessie. Ayon sa fairies, mawawala lamang ang sumpa kung may tunay na magmamahal sa kanya sa kabila ng kanyang anyong baboy.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Makahanap kaya si Jessie ng babaeng magbibigay sa kanya ng tunay na pagmamahal? Matutuhan pa kaya niyang magpakumbaba?

Makakasama nina Janella at Elmo sa Wansapanataym Presents Si Maganda at Ang Chauvinist Baboy sina Ramon Christopher, Christian Vasquez, Cheska Iñigo, Malou Canzana, Mutya Orquia, Myel de Leon, at Leo Rialp, mula sa panulat ni Mari Lamasan at direksyon ni Onat Diaz.