SIMULA Enero 4, magbabalik sa GMA Astig Authority si Doraemon. 

Lingid sa kaalaman ng karamihan, nagsimula ang kuwentong ito nang ipadala ng batang si Sewashi Nobi si Doraemon sa nakaraan para tulungan ang kanyang lolo na si Nobita na binatilyo pa lamang noon. Dahil sa iba’t ibang karanasan sa pambu-bully ay hindi naging maayos ang kapalaran ng kanilang angkan at gusto niyang gawan ito ng paraan.

Sa pagdating ni Doraemon sa buhay ni Nobita, paano nila malalampasan ang pambu-bully ng mga kamag-aral na sina Damulag at Suneo? Paano rin makakatulong ang kaibigan nilang si Shizuka sa pakikipagsapalaran nilang ito? Makigulo, makisaya, at kapulutan ng aral ang bawat tagpo sa Doraemon tuwing Lunes hanggang Biyernes, 7:45 ng umaga pagkatapos ng Home Foodie sa GMA-7.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter