Derek-Ramsay
Derek-Ramsay
SA nakita naming picture ng cast ng All You Need is Pag-ibig sa Parade of Stars sa Instagram account ni Kris Aquino, si Derek Ramsay lang ang wala sa karosa. Kasama ng cast si Direk Tonette Jadaone at nakita rin ang mga yaya nina Talia at Julia, ang dalawang cuties na apo ni Charo Santos-Concio na kasama sa cast ng movie.

Nasaan kaya si Derek that time?

Kitang-kita sa picture ang kaguwapuhan ni Ian Veneracion at naalala tuloy namin ang sinabi ni Kris tungkol kay Ian na, “He’s the nicest at kinikilig ako sa kanila ni Jodi (Sta. Maria).”

Naikuwento rin ni Kris na sa shooting ng All You Need is Pag-ibig, lumapit sa kanya si Ian para sabihing siya ang naging lucky charm nito. Simula raw nang mapasama ang aktor sa Feng Shui na pinagbidahan ni Kris, nagkasunud-sunod na ang project nito lalo na sa ABS-CBN.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Samantala, a few hour from now, ini-enjoy na ni Kris, Bimby at Josh ang simoy ng hangin, ang beach at ang maglakad na walang nakakakilala o walang lumalapit na fans sa bansa na napili nilang mag-anak na pagbakasyunan this Holiday season.

For safety reason, hindi magpo-post ng pictures si Kris at kapag nakabalik na sila, saka lang sasabihin kung saan sila nagbakasyon dahil wala silang kasamang bodyguards. Kaya lang, 15 days ang hihintayin ng fans ng TV host-actress bago malaman kung saan ito nagbakasyon with her sons.

Sa kanyang pagbabalik, refresh and hopefully, a healthier Kris ang makikita ng kanyang fans at viewers ng KrisTV. Sa balitang may bago siyang show sa ABS-CBN, sabi ni Kris, pinag-uusapan pa ang tungkol dito. --Nitz Miralles