Umakit ng atensiyon ng 19 continental at 3 club team sa iba’tibang sulok ng mundo ang ikapitong edisyon ng Le Tour de Filipinas, ang nag - iisang International Cycling Union (UCI)-calendared road race sa bansa.

Nagsumite na ng kanilang aplikasyon para makalahok sa nabanggit na karera na idadaos sa Pebrero 18-21 ang mga koponan mula sa Estados Unidos at Asia.

Umaasang makasasama sa mga iimbitahan sa karera ang mga continental team na Minsk Cycling Club (Belarus), Skydive Dubai Pro Cycling Team (United Arab Emirates), Team Sauerland p/b Henley & Partners (Germany), Team LVShan Landscape (China), GM Cycling Team (Italy), Dynamo Cover Pro Cycling Team (France), Kinan Cycling Team (Japan), Kenyan Riders Down Under (South Africa), Team Veral Classic (Belgium) at Alpha Baltic Maratoni Cycling Team (Latvia).

Ang karera ay babagtas sa Luzon makalipas ang halos pitong taon.

Sen. Pia Cayetano umalma sa bagong polisiya ng UAAP; labag daw sa batas?

Lahat ng nabanggit na koponan ay ngayon pa lamang makakalahok sa karera kapag nagkataon.

Nag- aasam naman na makabalik muli sa lupain ng Pilipinas ang iba pang mga continental teams na Team Ukyo (Japan), Bridgestone Anchor Cycling Team (Japan), Team Novo Nordisk (USA), LX Cycling Team (Korea), Team Arbo Denzel Cliff (Austria), CCN Cycling Team (Laos), Dutch Global Cycling Team (Netherlands), Korail Cycling Continental Team (Korea), Attaque Team Gusto (Taiwan) at Pegasus Continental Cycling Team (Indonesia).

Naghahangad ding makasali ang mga Club team mula Britain (Archive Northside Skinnergate Team) Lithuania (Team Baltik Vairas) at Australia (Oliver’s Real Food Racing Team).

“We get requests for invitation from all over the world in each edition of the Le Tour de Filipinas,” ayon kay Donna Lina, pangulo ng race organizer Ube Media Inc.

“This goes to show that racing in the Philippines is not only about the level of competition, but also the fun that the event brings with it.”

“The Le Tour de Filipinas has the promotion of cycling as its primary objective, but the same premium is focused on promoting the Philippines as a tourist destination,”dagdag pa nito.

Tatlo koponan naman mula sa bansa kabilang ang 7-Eleven Road Bike Philippines (continental), PhilCycling National Under-23 Team at Cebu Cycling Team (club) ang naghahangad ding makasama sa Category 2.2 race (multi-stage road race) na binubuo ng 600 kilometro mula Antipolo City sa Rizal hanggang Legaspi City sa Albay kung saan matatagpuan ang Mayon Volcano at matutunghayan sa huling dalawang stages.

Ang Stage One na magaganap sa Pebrero 18 ay magsisimula sa Antipolo City hanggang Lucena City, kasunod ang Stage two mula Lucena City hanggang Daet, Camarines Norte.

Ang Stage Three naman na idaraos kinabukasan at sisimulan sa Daet at magtatapos sa Legaspi City bago ang pinakahuli yugto- ang Stage Four na isang out-and-back race sa Legaspi City. - Marivic Awitan