Hindi palalagpasin ni Juan Miguel Tabuena ang bihirang pagkakataon na irepresenta ang Pilipinas at makapaglaro sa 2016 Rio De Janeiro Olympics matapos bumulusok bilang No.1 Filipino golfer sa overall rankings dahil sa pagwawagi nito sa Asian Tour na Philippine Open na isinagawa sa Luisita Golf and Country Club.

Ito ang inihayag ng 21-anyos na si Tabuena, sa pagdalo nito kasama ang kanyang ama na kapwa golfer na si Luigi, sa lingguhang Philippine Sportswriters Association (PSA) forum sa Shakey’s, Malate matapos na iuwi ang kanyang pinakaunang korona sa prestihiyosong Asian Tour.

“Super special ang feeling,” sabi ni Tabuena matapos mahulog sa kailangan lamang na 60 golfer na papasok sa golf event ng Rio Olympics, siya tumuntong sa ika-48 na puwesto at nilampasan ang dating nangunguna sa ranking na sina Angelo Que at Antonio Lascuna.

“I’ve never thought to be an Olympian,” sabi ni Tabuena. “But I will do my best and I am very confident to make it having to believe that God bless me with talent and it will be my call to bring honor to the country,” sabi nito.

‘Kyle Negrito is the Key?’ Creamline malapit na mag-grand slam

Nalaglag mula sa Top 60 ranking si Tabuena bago niya naisagawa ang makasaysayang panalo sa paghugot ng mahirap

makamit na korona sa prestihiyosong Asian Tour kung saan tinalo niya ang ilan sa pinakamagagaling sa rehiyon ng Asya.

“It’s a morale boosting victory for me considering that I have beaten some former Order of Merit champions,” sabi ni Tabuena, na mula sa pagiging 354 place sa buong mundo ay umangat sa ika-216 bunga ng panalo.

Nakatakdang sumabak sa Enero 2016 si Tabuena sa limang torneo na pinahintulutan ng Japan at European Tour at una rin itong sasabak sa Enero 28 sa Singapore Open, sunod sa Myanmar, sa Philippine Golf Tour at ang Thailand Golf Classic.

“I will be joining bigger tournament next year for this race chance of making it to the Olympics and I’m very confident to make it,” sabi ni Tabuena, na nakalinyang salihan ang kabuuang 15 torneo na kabilang sa Asian Tour.

Hindi naman ikinalungkot ni Tabuena ang pagkabura sa kanyang itinalang course record sa Luisita na 64 strokes na

tinabunan ni Himmat Rai ng India para sa pinakabagong course record sa itinala nitong 63.

“I’m not disappointed, I won the tournament,” sabi ni Tabuena, na pilit paghahandaan ang nalalapit at posible nitong pakikipagharap sa No.1 golfer sa buong mundo na si Fil-Australian Jason Day at ang kanyang idolo na si Eldrick “Tiger” Woods.

“When I go out there to play with my idol, I will just do my best,” sabi nito. “I know that with the very best in the world like McIlroy and Woods, it will take the best of me. That will happen soon,” paliwanag pa nito.

(ANGIE OREDO)