HANGGANG Pebrero 2016 pa pala eere ang All of Me dahil marami pang kaabang-abang na mangyayari sa kuwento, sabi ng ABS-CBN executive na nakausap namin.

 

Kaya pala nadagdag pa sa cast si Rayver Cruz na gumaganap bilang imbestigador.

Mabuti naman at napasama si Rayver sa All of Me dahil ang tagal-tagal na niyang walang teleserye, nakapaghihinayang dahil magaling siyang aktor pero hindi napapansin.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

 

Mas gustong bigyan ng exposure ang ilang artistang walang acting, kaya nakakainsulto talaga sa magagaling na artista na mas marami pang shows sa kanila ang mga waley in terms of acting.

 

Speaking of Rayver, nasa Singapore ang actor nang magkaroon ng presscon para sa Buy Now, Die Later na kasama sa 2015 Metro Manila Film Festival kaya hindi siya nakadalo.

 

Hindi binanggit ng isa pang taga-Dos na napagtangungan namin kung ano ang ginawa ng aktor sa Singapore, “May inaasikaso kasi siya roon,” kaswal na sabi sa amin.

Samantala, masayang-masaya ang exec ng Dos sa magandang feedback sa All of Me dahil kahit wala na si JM de Guzman sa serye ay hindi nabago ang ratings nila.

 

“Ang galing kasi ni Albert (Martinez) at bumagay talaga sila ni Yen (Santos). Abangan mo pa, may mga twist sa kuwento,“ sabi pa ng kausap namin.

Hula nga naming, baka may show o gagawa ng serye roon si Rayver, pero hindi na kami sinagot pa ng aming kinausap.

(Reggee Bonoan)