Dahil sa sobrang pagmamahal, sinaksak ng isang 44-anyos na lesbian ang dati niyang nobya na tumangging makipagbalikan sa kanya, bago sinaksak din niya ang sarili, kahapon ng madaling araw sa Pasig City.

Sinabi ng Eastern Police District na parehong ginagamot sa isang ospital sa Pasig ang dalawa.

Sinabi ni SPO1 Ricardo Allapitan na dakong 4:00 ng umaga kahapon nang binisita ng suspek na si Joan Lisay, 44, vendor, ng Barangay Rosario, Pasig City, ang dati niyang nobya na si Jemay Marquez, 37, waitress, sa boarding house ng huli upang himukin itong makipagbalikan sa kanya, tatlong buwan ang nakalipas matapos silang maghiwalay.

Ayon sa salaysay ng kapatid ng suspek, nagtalo ang dalawa dahil ayaw nang makipagbalikan ng biktima.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Sinabi ni Allapitan na sinaksak ni Lisay si Marquez sa kainitan ng kanilang pagtatalo, at nang mawalan ng malay ang biktima ay sinaksak naman ng suspek ang kanyang sarili.

Nabatid na tatlong taong naging magkarelasyon ang dalawa. (Betheena Kae Unite)