Nadakip kahapon ng pulisya ang pangunahing suspek sa pagpatay sa isang retiradong guro na pinasok sa loob ng kanyang bahay sa Grand Plains Subdivision, MV Hechanova, Jaro, Iloilo City noong Linggo ng madaling araw.

Kinilala ang biktima na si Nimfa Suelo, 70, na natagpuang patay sa kanyang silid.

Sugatan naman ang 10-anyos na lalaking apo nito at nagpapagaling sa ospital.

Nakatakdang sampahan ng kasong pagpatay sa Jaro Prosecutor’s Office ang suspek si Mario Marquez, 24.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Nakilala ang suspek ng walong taong gulang na isa pang apo ng biktima na nagkunwaring tulog habang nagaganap ang krimen.

Ayon sa batang saksi, nakita niya kung paano pinalo sa ulo ng suspek ang kanyang lola at pagsasaksakin ang kanyang kuya.

Lumutang sa imbestigasyon ng Jaro Municipal Police Station (JMPS), na ang suspek ay nagsisilbing errand boy ng matandang biktima.

Pagnanakaw ang nakikitang motibo sa krimen. (Fer Taboy)