Umabot sa kabuuang 847 kaso ng cybercrime ang iniulat sa unang 11-buwan ng 2015 kumpara sa 544 kaso sa buong 2014, iniulat ng Philippine National Police-Anti-Cybercrime Group.

Sa cybercrime complaints na inihain sa PNP-ACG mula sa Enero hanggang Nobyembre na kabilang ang online scam o estafa: 292 (tumaas mula sa 154 noong nakaraang taon); online libel: 188 (tumaas mula 112); online threat: 84 (tumaas mula 56); identity theft: 71 (tumaas mula 61); photo and video voyeurism: 52 (tumaas mula 43); hacking: 51 (tumaas mula 41); robbery/extortion: 27 (tumaas mula 11); unjust vexation: 26 (tumaas mula 10); child pornography: 20 (tumaas mula 10); ATM/credit card fraud: 10 (tumaas mula 1); child abuse: 4 (bumaba mula 14); email spoofing: 2 (bumaba mula 6); online piracy: 1 (bumaba mula 2); at illegal recruitment: 1 (bumaba mula 2).

Ang mga nasabing bilang ay batay sa “walk-in complaints” sa mga dibisyon ng PNP.

Ayon kay PNP Director General Ricardo Marquez, patuloy na tinatrabaho ng PNP at iba pang ahensiya lalo na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang paglaban sa mga krimeng ito. (Jun Fabon)

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco