AGAW-PANSIN ang presence ni Angelica Yap aka Pastillas Girl sa nakaraang Christmas party ng TV5 for the entertainment media.

Marami siyempre ang naintriga dahil alam ng lahat na sa It’s Showtime siya nadiskubre at nakilala ng publiko.

Hindi naiwasang itanong kay Pastillas Girl kung bakit siya naroroon sa party ng Kapatid Network, samantalang sa Kapamilya siya nadiskubre?

Paliwanag niya, naroroon siya sa TV5 event dahil kasama niya ang ilang kaibigan from Viva Entertainment, kung saan nakapirma siya ng five year contract.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Sinabi rin niya na naghahanda siya sa anumang proyektong ibibigay sa kanya ng Viva.

“Sana meron na. I’m going to start with workshops daw po muna. Siyempre, hindi rin naman po ako um-acting-acting sa It’s Showtime. Ang nangyari lang sa Showtime is reality lang talaga, kung sino ako... Sa Viva, ilo-launch naman nila ‘yung what I can do naman — I dance, I act, I host, aside from being a real person,” sabi ni Ms. Angelica Yap.

Inamin ng newcomer na hindi pa siya sanay sa mga intriga at bashers. Sa It’s Showtime, nagsimula siyang makatikim ng panlilibak.

“Iba rin ‘yung naging hirap ko roon kasi nagsimula siya with bashing. Hindi po ako sanay, eh. Ang sabi lang sa akin ng Showtime, of course, sila Ate Anne (Curtis) at sila Ate Vice (Ganda) na sobra ang dami rin nilang bashers before, dedmahin na lang din.”

Napaslang kamakailan ang kanyang mommy na isang barangay kagawad sa Caloocan. Naitanong ng mga katoto sa kanya kung ano na ang updtae sa kaso.

“Na-invite na rin ‘yung mga exes niya, sana lang mapatunayan nila na wala silang kinalaman. Kasi, ang isang malaking tinitingnan ay it’s personal. Nag-hire sila ng gunman to kill my mom, hindi lang siya isang simpleng pagpatay,” matipid na sagot ng dalaga. (ADOR SALUTA)