ANG sweet naman ni Tom Rodriguez, alagang-alaga pala niyang padalhan ng flowers ang girlfriend niyang si Carla Abellana.

Nalalaman ng TomCar fans ang tungkol dito dahil ipino-post ni Carla sa Instagram tuwing may padalang bulaklak si Tom.

Last Sunday ang pinakahuling pagpapadala ng flowers ni Tom, bouquet of red roses ang natanggap ni Carla na nang i-post, ang ginamit na caption ay “Always the most beautiful.”

Pati ang TomCar fans ay kinilig sa pagiging sweet ni Tom sa GF at hindi na nila kailangang aminin sa salita kung ano ang relasyon nila dahil nakikita sa kanilang kilos. Kung magkakatuluyan ang dalawa, siguradong maganda ang magiging mga anak nila, kaya ang payo ng kanilang fans, mag-anak sila ng marami.

Tsika at Intriga

Doc Willie Ong, napatawad na ba mga bagets na nam-bash sa kaniya noon?

Pero pansamantalang magkakalayo sina Carla at Tom dahil lilipad si Tom tungong Japan sa December 26 para bisitahin ang mga kapatid na based in Osaka. Mas malapit ang Osaka kaysa Amerika, kaya taun-taon, nakagawian na ng aktor na doon mag-celebrate ng Pasko at Bagong Taon.

Naiba lang this year, after Christmas na aalis si Tom para magkasama sila ni Carla sa first Christmas nila as a couple. Sa January 3, 2016 na ang balik ng bansa ng aktor, kaya hindi sila magkakasama ni Carla sa Bagong Taon.

Anyway, malapit nang matapos ang Marimar nina Tom at Megan Young, samantalang ilang linggo pa lang umeere ang Because of You nina Carla, Rafael Rosell at Gabby Concepcion. May time na uli si Tom na gumawa ng pelikula.