Ni Remy Umerez

MARAMING sorpresa sa bagong album ni Sarah Geronimo na pawang original songs ang laman. Pinamagatang The Great Unknown, ang opening cut nito ay ang Unbroken mula sa Philpop finalist na si Melvin Morallos. Patuloy ang romantikang tema sa Ako’y Para Lamang Sa ‘Yo mula kay Totop Suzara ng Freestyle to Geraldine Lim’s Baby You’re the Reason.

At sa unang pagkakataon ay may duet si Sarah at ang pop-rock singer/composer na si Yeng Constantino sa Kaibigan Mo na eklusibong sinulat ni Yeng para sa close friend niyang pop princess.

Highlight din sa album ang pakikipagkolaborasyon ni Sarah sa pop band na Hale na ang naging resulta ay ang title track na The Great Unknown.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Ang The Great Unknown ay produksiyon nina Sarah at Civ Fontanilla at ipinamamahagi ng Viva Records.

Available sa iTunes for download at maririnig sa music services like Spotify, Deezer, Rdio and Guvera.