BUENOS AIRES (AFP) — Pilot error ang naging sanhi ng helicopter crash sa Argentina na ikinamatay ng tatlong French sports stars, limang crew member at ng dalawang Argentine pilot habang kinukunan ang isang reality TV show noong Marso, sinabi ng mga imbestigador.

Nagkasalpukan ang dalawang helicopter noong Marso 9 habang kinukunan ang French television series na “Dropped,” na ikinamatay ng kilalang yachtswoman na si Florence Arthaud, Olympic champion swimmer na si Camille Muffat, Olympic boxer na si Alexis Vastine at ng lahat ng pito pang pasahero.

Matapos ang mahabang imbestigasyon, sinabi ng Argentina aviation investigations unit sa halos 50-pahinang ulat na hindi naisip ng mga piloto -- kapwa beterano – na masyado na palang nakadikit ang paglilipad ng kanilang mga Eurocopter.

“The pilots’ lack of perception of the closeness or the deficit in the separation between their respective aircraft led to the air collision of the aircraft without attempting any evasive or defensive maneuvers,” ayon dito.

Internasyonal

Misa ng Santo Papa dinumog, halos kalahati ng populasyon ng East Timor, dumalo