Nagtala ng tatlong panalo laban sa dalawang talo ang Philippine Swimming, Inc.,(PSI) upang isukbit ang tansong medalya sa katatapos lamang na 17th Panasonic Asia Pacific Water Polo Tournament sa Kowloon Park Swimming Pool sa Hong Kong.

Ginulat ng Nationals sa preliminary ang Kaohsiung-Taiwan, 14-3, bago nabigo sa host country (Hong Kong-A) sa Group A bagaman umabante pa rin sa quarterfinals.

Dinaig ng Philippine squad ang Hong Kong Beach Boys sa quarters, 9-5, para dumaong sa Final Four. Pero nabigo muli sa China sa semifinals, 3-10, upang malagak sa bronze medal match na lang kung saan naitakbo ang 5-4 win kontraMejirogumi-Japan.

Naiuwi ng mga Pinoy bukod sa medalya ang trophy at Panasonic pocket toothbrushes EW DS11 kung saan gold medalist ang HK-A at silver winner ang Chinese sa 11-team, seven-nation, three-day waterpolofest.

Wrestler-actor Dwayne Johnson, may pasabog sa fans; balik wrestling ring?

Head coach si Reynaldo Galang, assistant coach si Dale Evangelista, referee si Ricardo Dilapdilap at team manager si Luisito Mangahis. Nabuo sa national team sina Tani Gomez, Jr., Arnel Amiladjid, Norton Alamara, Mummar Almara, Mark Jerwin Valdez, Matthew Royce Yu, Wilfredo Sunglao, Jr., Adan Evagelista, Mico Santos, Romark Belo, Macgyver Reyes at Reynaldo Salonga, Jr.

Pumang-apat ang Japanese, pang-lima ang Guam, kasunod ang HBB, HK-B, University of California-Sta. Clara-USA, Taipei Song Shon-Taiwan, Chinese Taipei at Kaohsiung-Taiwan. (Angie Oredo)