Sumandig ang Pampanga Foton kina Allan Mangahas at Jerick Nackpil para mapataob ang Manila National University (MNU)-MFT, 77-69, at angkinin ang Filsports Basketball Association (FBA) Second Conference championship sa Malolos Sports and Convention Center sa San Fernando, Pampanga noong Martes ng gabi.

Hinugot mula sa bench, umiskor sina Mangahas at Nackpil ng 23 at 17- puntos, ayon sa pagkakasunod, para makumpleto ng Toplanders ang 2-1 panalo sa serye ng kampeonato nila ng Mica Tan-backed Bulldogs.

Naiwan sa iskor na 8-16 sa panimula ng laro, nakahabol ang Toplanders sa pagpasok nina Mangahas at Nackpil na agad nagsalansan ng tig- 11- puntos sa second period para ibigay sa Pampanga Foton ang 35-32 kalamnangan sa halftime.

Nanatiling mainit ang dating Mapua playmaker na si Mangahas sa second half bago nag init mula sa kanyang scoreless na panimula si Levi Hernandez, ang season MVP, at nagposte ng 15-puntos para tulungang selyuhan ng Toplanders ang panalo.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Nag-ambag din ang Mythical First Team member na si Marlon Gomez ng 10-puntos, 14 board, 4 assist at isang steal.

Nanguna naman para sa Bulldogs si Issa Gaye na tumapos na may 17-puntos, 15 board at 5 block.

Naunang nagwagi ang Pampanga Foton sa series opener, 76-69, bago tumabla ang Manila NU , 111-109 noong Game Two para maitakda ang deciding Game Three. (Marivic Awitan)