Tatangkain ni Pinoy boxer Lloyd Jardeliza na matamo ang bakanteng OPBF super bantamweight title laban sa walang talong Hapones na si Shun Kubo sa Disyembre 26 sa Central Gym, Kobe, Hyogo, Japan.

Sa edad na 20-anyos, ito ang pinakamalaking laban ng tubong Oriental Mindoro na si Jardeliza na may kartadang 7-2-3 win-loss-draw na may 6 panalo sa knockout.

Bago ito, nilabanan ni Jardeliza si Aussie Nathaniel May para sa bakanteng WBO Asia Pacific Youth featherweight title noong Mayo 8 sa Perth, Australia kung saan natalo siya sa 10-round unanimous decision.

Kailangang patulugin ni Jardeliza si Kubo na may perpektong rekord na 8 panalo, anim sa pamamagitan ng knockout, pero lahat ng laban ay ginanap sa kanyang teritoryong Kobe sa Hyogo.

‘Hindi na raw tungkol sa basketball;’ Coaching staff ng La Salle, UP, nagkaduruan!

Sa Disyembre 29 naman sa Tokyo, hahamunin ni dating Philippine super flyweight champion Rene Dacquel ang kasalukuyang OPBF champion sa dibisyon na si world rated Takuma Inoue sa kabisera ng Japan na Tokyo.

Kasalukuyang IBO International super flyweight champion si Dacquel na lumikha ng malaking upset noong Agosto 28 sa East London, Eastern Cape, South Africa matapos niyang dalawang beses pabagsakin para talunin sa 10-round unanimous decision si South Afrcan flyweight titleholder Thembelani Nxoshe. (gilbert espeÑa)