HINDI na uubrang mag-solo presscon si Kris Aquino para sa pelikulang All You Need is Pag-Ibig, entry ng Star Cinema sa 2015 Metro Manila Film Festival, dahil wala pa rin siyang boses.

Tinanong namin ang personal assistant niyang si Alvin Gagui kung puwedeng ma-interview si Kris, at kaagad kaming sinagot ng, “no voice po.”

Kaya kahit nagti-taping ng KrisTV ay hindi siya nagsasalita kundi tango lang nang tango at senyas, so sign language ito?

Ipinost ni Kris sa kanyang IG post noong Lunes ang medical certificate ni Dr. Keith Aguilera na pinayuhan siyang ipahinga ang boses niya sa loob ng limang araw.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Saad sa post ni Kris, “I’m home, signing off & obeying my doctor - COMPLETE vocal rest. Bago n’yo ‘ko pagalitan na pinilit kong magtrabaho, uunahan ko na po kayo: 1. I honored my commitments; 2. The people I work closely with shouldn’t be deprived of Christmas income kung kakayanin ko pa naman; and, 3. We tried two days vocal rest but it wasn’t enough. GOOD NIGHT.”

Pero bago nagpunta si Kris kay Dr. Keith ay nagpa-check up muna siya kay Dr. Nick Cruz.

Aniya, “Called my cousin in law, Dr. Nick Cruz because we were all worried already because my voice wasn’t recovering. He referred me to Dr. Keith Aguilera, and I was prescribed an anti-inflammatory, anti-allergy combination with an antacid in case my stomach gets upset. I was able to get checked now in St. Luke’s after taping with @itspokwang27& @erichgg on our way to taping w/ #TeamKramer in National Bookstore.”

Iba pa ito nu’ng huling ka-text namin siya, Bossing DMB na pinapagpahinga siya after ng shooting niya ng All You Need is Pag-ibig last December 9.

At habang nagpapahinga sa bahay, sinamantala ng Queen of All Media ang pag-aasikaso ng mga reregaluhan niya ngayong Pasko at Bagong Taon habang ang bunso niyang anak na si Bimby ay tinatapos ang mga eksena nito sa MMFF movie nila.

Sabi pa, kailangang ipahinga raw maigi ni Kris ang boses dahil may Baguio trip sila ngayong araw para sa KrisTV at bukas ay diretso naman sila ng Tarlac at Pampanga naman sa Biyernes.

Nabanggit din sa amin na kailangan nang mag-promote ni Kris ng All You Need is Pag-ibig sa Sabado at Linggo sa Showtime, MOA mall show, Starmall at Fishermall at SM Manila.

Hala, paano ‘yun, puro ngiti na lang gagawin ni Krissy, Bossing DMB?

(At senyas nga, di ba? Overworked lagi si Kris. Kailangang mag-rest-rest din kung may time, Krissy. –DMB)

(REGGEE BONOAN)