Ipinagtanggol ni Miss Earth Philippines 2025 Joy Barcoma ang nagwaging Miss Universe Philippines 2026 na si Bea Millan Windorski mula sa bashers na nagsasabing "oportunista" siya.
Nanggagaling ang banat laban kay Bea dahil sa pagiging Filipina-American niya, at pagsali sa Miss Earth 2024 na kinatawan ang Amerika.
Kinukuwestyon ng mga netizen, lalo na ang detractors, ang tunay na pagka-Pilipino ni Bea, na kaya lang daw ikinokonsidera ang sarili niya bilang Pilipino, ay dahil sa pagsali nga sa MUPH 2026.
Bagay na pinasinungalingan naman ni Joy at sinabing mas "Pilipino" pa nga raw si Bea kaysa sa mga lokal na isinilang at nanirahan sa Pilipinas sa mahabang panahon, pero hindi naman daw bumoses at nakipaglaban para sa bansa.
"BMW IS NOT AN OPPORTUNIST!" mababasa sa X post ni Joy noong Linggo, Mayo 3.
"She literally asked me where she can join protests. SHE RALLIED WITH & FOR FILIPINOS. Don't ever question her pagka-'Pilipino' dahil mas Pilipino pa sya kaysa mga pinanganak at tumira sa Pinas pero hindi man lang kayang bumoses at ipaglaban ang bansa," giit pa ni Joy.
Photo courtesy: Screenshot from Joy Barcoma (X)
Isang netizen naman ang umentrada at sumagot sa post ni Joy.
"Is her lived experience really Filipino, though? Your argument just shows Bea’s performativity. Plus, your post discounts the real danger ordinary Filipinos face when challenging power. Filipinos aren’t silent. They’re silenced. They’re traumatized. They’re TIRED. Pwe," anang netizen.
Hindi rin naman ito pinalagpas ni Joy at sinagot.
"She grew up with her Filipina mom— if that’s not enough Filipino lived experience for you then idk what is. And paano siya naging performative when even in her younger years she’s spending her time trying to immerse herself sa Filipino culture?" aniya.
Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.
"Taon-taon na lang ganiyan ibinabash ang nanalo; nakakatawa na lang eh."
"Tigilan mo kami sis, nag rally lang 'yan kasi sasali siyang MUPH at para sa argument mo na 'to."
"Hayaan mo mah, tignan mo sa december, makiki proud of you BMW yan sila or makikipagbardahan pag di nakuha ni Bea yung deserve na spot. I mean look at them kay Ahtisa last year BAHAHAHAHHAAH."
"eh teh paki explain yung bakit now lang kumuha ng philippine passport?"
Samantala, wala pang reaksiyon o tugon si Bea tungkol dito.