Isang 27-anyos na estudyante ang nagtangkang sunugin ang sarili nitong Martes ng madaling araw sa Quezon City.

Inoobserbahan ngayon sa FEU Hospital sanhi ng mga lapnos sa katawan si Dino Dolina y Tanseco, Jr., medical student sa Far Eastern University-Fairview, nakatira sa MOQ3 Fernando Road, Camp Aguinaldo, Quezon City.

Sa imbestigasyon ng Fairview Police Station 5 ng Quezon City Police District (QCPD) , dakong 4:15 ng madaling araw sa main gate ng FEU Hospital sa Regalado Avenue , Barangay Greater Fairview, nakita ng isang security guard si Dolina na may dalang tatlong bote ng mineral water na naglalaman ng gasolina kaya tinawag niya ito. Ngunit bigla na lamang sinilaban ng lalaki ang kanyang sarili.

Agad na kumuha ng fire extinguisher ang mga security guard para sagipin si Dolina at itinakbo sa emergency room.

Relasyon at Hiwalayan

Kim Jones, tinulungan si Jericho Rosales sa major decisions nito

Nabatid kay PO3 Roger Verando, may hawak na kaso, na hindi na pinapasok ng kanyang mga magulang Dolina ngayong semester dahil sa ipinapaskil nitong suicidal messages sa Facebook noon pang nakaraang taon. (Jun Fabon)