MARIING itinanggi ni Vice Ganda ang naglalabasang balita na boyfriend niya ang nagpapadala sa kanya ng flowers.

Nagsimula ang tsikang ito nang mag-post si Vice sa Instragram ng isang larawan niya with a box of black and white roses at sa ibang account naman ay may lumabas na picture ng guy na diumano’y siyang nagpadala sa kanya ng nasabing mga bulaklak.

“That’s not true,” sey ni Vice. “Pareho lang kami ng ‘pinost. Kasi ‘yung flowers na ‘yun, eh, pa-Instagram nu’ng flower shop. Kaya nga, di ba, ‘yung caption ko, comedy? Eh, ‘yung tao, ang dudumi ng utak. Na porke’t pare-pareho kami ng ‘pinost…” eksplika ni Vice sa presscon ng kanyang pang-MMFF movie na The Beauty and the Bestie.

Para kay Vice, ito ang pinakamagandang movie na nagawa niya sa kanyang entire career.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“Sa totoo lang, nu’ng ginagawa namin ang movie na ito, eh, para itong isang thesis na dapat ipasa at kung thesis ito, uno ang grado nito,” pagmamalaki ni Vice, na obvious na iniiwasan talagang makaladkad sa publiko ang lovelife niya, huh!

“Parang isang Bruce Willis ang movie naming ito. Rushes pa lamang, eh, alam na agad namin na winner na ito,” dagdag pa niya.

Very humble namang ipinagdiinan ni Vice na team effort ang naturang pelikula sa pamamahala ni Direk Wenn Deramas.

“Ayokong angkinin ang full credit ng movie naming ito. Bukod kay Coco Martin na talaga namang best friend ko na maraming nagsasabi na may dating ang pelikula naming ito. Siyempre, isama na rin natin diyan, eh, ‘yung dalawang kasamahan naming komedyante na sina MC at Lassy,” sey pa ni Vice.

Binanggit din ni Vice na pambato rin nila ang tambalang James Reid at Nadine Lustre na sobra ang kasikatan ngayon.

Kasama rin sa movie sina Marco Masa, Alonzo Muhlach, Karla Estrada, Badji Mortiz at Ryan Bang. (KIMI ESCALA)