Hiniling ng vice presidential candidate na si Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa Office of the Ombudsman na imbestigahan si Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Jose Angel Honrado at ang iba pang matataas na opisyal ng ahensiya sa kabiguan ng mga itong matuldukan ang “tanim bala” extortion scheme sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ito ay sa gitna ng hinala ni Marcos na posibleng may pinagtatakpan ang natuklasan ng National Bureau of Investigation (NBI) sa imbestigasyon ng huli sa “tanim bala” matapos na iabsuwelto ang matataas na opisyal ng MIAA sa kontrobersiyal na scam, sa pagsasabing walang sindikato na nasa likod ng nasabing pambibiktima. - Mario Casayuran
Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter