NALOLOKA ang production team na nasa likod ng isang fantaserye na pagbibidahan ng aktor sa isang TV network dahil sobrang tinitipid daw ang budget nila.

Ayon sa nakatsikahan naming executive ng mismong network, nalaman daw nila na ang P2M na ibinigay na budget ng management para sa fantaserye ay planong bawasan at gawing P1.3M ng executive na in-charge nito.

Kaya sobrang paghihigpit ng sinturon daw ang ginagawa ngayon ng production team ng fantaserye dahil paano nila pagkakasyahin ito, e, mahal ang costumes at effects bukod pa sa talent fees ng buong cast, staff and crew at ang mga uupahang gamit.

Ang rason daw ay para may emergency fund in case may aksidenteng mangyari during shooting ng fantaserye.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Tama rin naman, ‘yun nga lang, baka mag-suffer ang quality ng fantaserye na ang alam namin ay hindi dapat tinitipid.

(Reggee Bonoan)