WALA si Direk Jun Lana sa presscon ng Haunted Mansion, kaya hindi siya nainterbyu tungkol sa pelikula ng Regal Entertainment at nag-iisang serious horror movie sa MMFF. Mas maganda sana kung hindi lang trailer ang napanood at narinig si Direk Jun kung paano niya ginawa ang pelikula.

Nasa Trivandrum, India si Direk Jun dahil dumalo siya sa International Film Festival of Kerala na nilahukan ng indie film niyang Anino Sa Likod ng Buwan (Shadow Behind The Moon.)

Big hit doon ang Anino Sa Likod ng Buwan tampok sina LJ Reyes, Anthony Falcon at Luis Alandy. Nanalong best director si Direk Jun, his second award dahil nanalo rin siyang director sa Russia for the same movie.

May mga binanggit na different countries si Direk Jun at ang hula namin, magko-compete sa film festival na gagawin sa Germany, Canada, Poland at Singapore ang kanyang pelikula.

'TrilYULO:' Dennis, kumasa rin sa croptop challenge!

Mapapanood ng mga Pilipino ang Anino Sa Likod ng Buwan sa UP Film Center sa January 16, 2016. Matutuwa si Direk Jun kung dumating si LJ sa showing ng movie sa UP Film Center dahil balitang may tampo sa kanya si Direk Jun.

Dahil yata sa pagtatampo ni Direk Jun kaya hindi na si LJ ang kinuha para sa stage adaptation ng Anino Sa Likod ng Buwan na gagawin sa Russia at dito sa atin. Si Mercedes Cabral ang papalit kay LJ. (Nitz Miralles)