Pansamantalang itinigil ng Court of Tax Appeals (CTA) ang pagdinig sa P150 milyong tax evasion case na inihain ng Bureau of Internal Revenue (BIR) laban kay dating Supreme Court Chief Justice Renato Corona.

Sa 12-pahinang resolusyon na inilabas noong Disyembre 4, hiniling ng court en banc sa Second Division nito na itigil muna ang pagdinig sa kaso hanggang hindi napag-iisa ang anim na tax evasion case laban kay Corona base na rin sa hiling ng dating punong mahistrado.

Sinabi ng korte na ang mga naturang paglabag ay kapwa nagmula sa Tax Code, Section 255 (failure to file return) at Section 254 (failure to pay correct taxes) na parehong may kinalaman sa tax evasion.

Unang inihirit ni Corona na hindi siya naghain ng income tax return noong siya ay nanunungkulan pa sa Supreme Court dahil ito ay dating hinahawakan ng kanyang employer sa ilalim ng tinaguriang “substituted filing system.”

Events

SP Chiz sa b-day ng kambal niyang anak: 'Nandito lang kami palagi ni Tita Heart!'

(Jun Ramirez)