KALIBO, Aklan - Pormal nang idineklara ng Sangguniang Panglalawigan ng Aklan ang pagsasailalim sa mga bayan ng Batan, Altavas, at New Washington sa state of calamity.

Ayon kay Odon Bandiola, secretary ng Sangguniang Panglalawigan, idineklara ang state of calamity sa tatlong nabanggit na bayan matapos na maapektuhan ang mga ito ng red tide, base sa isinagawang pag-aaral ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).

Ang deklarasyon ay magbibigay-daan sa pamahalaang panglalawigan ng Aklan para mailabas ang calamity fund at matulungan ang mga apektadong mangingisda.

Ayon kay Bandiola, iniulat sa kanila ng BFAR na umaabot sa 2,000 pamilya ang hindi makapag-hanapbuhay dahil sa red tide.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Una nang nagkani-kanya ng deklara ng state of calamity ang tatlong nabanggit na bayan sa Aklan. (Jun N. Aguirre)