KAESONG (AFP) — Naganap ang bibihirang high-level na pag-uusap ng North at South Korea noong Biyernes, at kapwa sinikap ng magkabilang panig na makapiga ng kompromiso sa matagal nang nababalam na mga program sa cross-border.
Ang vice minister-level dialogue, ginanap sa Kaesong joint industrial zone sa bahagi ng North Korean border, ay bunga ng crisis talks noong Agosto na naglalayong maibsan ang matinding military tension sa hating peninsula.
Ang huli sa ganitong uri ng pag-uusap, na may mandatong talakayin ang maraming isyu, ay naganap halos dalawang taon na ang nakalipas.