Dumalo sa special session ng Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum sa Shakey’s Malate noong Lunes ang UAAP basketball team champion Far Eastern University (FEU) at si dating Mixed Martial Arts (MMA) champion Ana “The Hurricane” Julaton.

Si school athletic director Mark Molina, kabilang ang ilang mga manlalaro ng Tamaraws at miyembro ng coaching staff ay dumalo sa public sports program na ipinalabas ng live sa DZSR Sports Radio 918 upang talakayin ang kanilang panalo at buhayin ang naging laban nila noong Season 78 kung saan naging kampeon ang University of Santo Tomas (UST).

Sa kabilang banda, si Julaton naman ay sinamahan ng kanyang manager na si Angelo Reyes upang pag-usapan ang nalalapit nitong laban sa ONE Championship event na gaganapin sa Mall of Asia (MOA) Arena sa Disyembre 11, 2015.

Kasama rin sa session na ipinakilala ng San Miguel Corp., Accel, Shakey’s, at ng Philippine Amusement and Gaming Corp., ay ang mga opisyales ng National Golf Association of the Philippines (NGAP) upang pag-usapan din ang inaabangang Philippine Open na nakatakda sa susunod na linggo. Kasama rin sa mga dumalo sa nabanggit na forum sina boxer Giemel Magramo na nakipaglaban kay Jenny Buca para sa World Boxing Council international flyweight championship na gaganapin din sa Linggong ito.

PBA, hinihingi panig ni Amores; makabalik pa kaya sa liga?