AGAD pinabulaanan ni Regine Velasquez ang lumabas na tsikang lilipat siya sa kalabang TV network ng kasalukuyang pinaglilingkuran niya.

Ayon kay Regine, wala itong katotohanan dahil pipirma siya ng panibagong kontrata sa GMA-7. Hindi niya alam kung saan nagmula ang Internet post na nagsasabing lilipat na raw siya sa ABS-CBN.

Pero hindi niya itinanggi na may offer sa kanya. Nagulat pa nga raw ang sikat na singer at aktres sa laki ng offer.

Nakalula raw ang talent fee niya kung sakaling tinanggap niya ang naturang offer.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Kung natuloy, bukod sa teleserye, may magiging partisipasyon din sana si Regine sa ASAP 20, isang drama special si Regine, at malaki rin ang posibilidad na maging host sa bagong game show.

Pero mas pinaboran siyempre ni Regine ang offer ng GMA, kaya mananatiling Kapuso ang Asia’s Songbird. (Jimi Escala)