Isang mister ang nagbaril sa kanyang sentido matapos niyang barilin at mapatay ang kanyang asawa habang yakap ng huli anng siyam na buwan nilang anak sa Pinsao Proper, Baguio City, nitong Linggo ng umaga.

Ayon kay Senior Supt. Rodrigo Leal, medico legal officer ng Scene of the Crime Operations (SOCO), batay sa imbestigasyon ay nagkulong sa silid sina Harry Sawi at asawang si Judith Sawi hanggang marinig ng mga kasama sa bahay ang dalawang putok ng baril.

Sinabi ni Leal na yakap ng ginang ang sanggol nang barilin ito ng suspek gamit ang isang .45 caliber pistol.

Ayon kay Ramon Fagad-o, ama ni Judith, nag-inuman pa sila ng kanyang manugang bago nangyari ang insidente sa Upper Badehoy Street sa Purok 8, Pinsao Proper, Baguio City.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Matapos magkulong sa silid ang mag-asawa ay narinig ni Fagad-o at ng 13-anyos na anak ng suspek at biktima ang dalawang putok ng baril kaya agad na humingi ng saklolo ang mag-lolo.

Batay sa imbestigasyon ng SOCO, pumasok ang bala sa kanang bahagi ng ulo ni Judith at tumagos sa kaliwa, habang sa kaliwang bahagi naman ng ulo ang entry ng sugat ni Harry, at tumagos sa kanan ang bala. (Fer Taboy)