James & Nadine
James & Nadine

BAD TRIP ang SkyCable nitong nakaraang Biyernes ng gabi dahil ilang oras na down ang system nila sa Cubao area, hindi tuloy namin napanood ang FPJ’s Ang Probinsiyano at On The Wings of Love.

Ilang beses naming tinatawagan ang SkyCable hotline, pero walang sumasagot at nang magpadala kami ng mensahe sa Twitter account ay dedma rin.

Inis na inis at nanggigil kami dahil inaabangan namin ang pagbabalik ni Coco Martin o Cardo sa opisina at may bagong assignment na ibinigay sa kanya ang lolo niyang si Jaime Fabregas. Gulat na gulat siyempre si Joaquin (Arjo Atayde) sa pagbabalik ni Cardo dahil makakasagabal na naman sa masasamang gawain niya.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Maganda sana ‘yung susunod na episode noong Biyernes pero hindi nga namin napanood dahil sa palpak na serbisyo ng SkyCable.

Sa On The Wings of Love naman, papuntang Ilocos sina Clark (James Reid) at Lea (Nadine Lustre) para makilala ang buong pamiya at marating ang kinalakihan ng huli.

Hindi alam nina Clark at Lea nu’ng una na sumakay sa likod ng van si Harry (Bailey May), ang pinsan ni Clark galing Europe at magbabakasyon ng Pilipinas.

Nalaman lang ng dalawa nang mag-stop over sila para kumain.

Bumagay ang papel ni Bailey bilang pinsan nina Clark at Jigs o Albie Casino dahil puro sila tisoy at guwapo, ibig sabihin, ang ganda ng lahi ni Lola Pachang (Nanette Inventor).

Makikilala ni Bailey si Audrey (Ylona Garcia) bilang second cousin naman ni Lea.

Siguradong dagdag kilig ang pagpasok nina Bailey at Ylona sa OTWOL.

Ang tanong, sa Maynila mananatili si Harry at nasa Ilocos naman si Audrey, paano kaya mabubuo ang kanilang love story?

Kaya sana ayusin na ng SkyCable ang serbisyo niya para matutukan gabi-gabi ng viewers ang On The Wings of Love dahil hindi naman lahat ay nanonood sa iWantTV. —Reggee Bonoan