SABI ko na, too good to be true ang ugali ng kilalang aktor.

Hindi pala talaga siya totoong mabait at pinipili lang niya kung sino ang taong pakikisamahan niya nang maayos.

Marami na kaming naririnig na tungkol sa kakaibang ugali ng kilalang aktor mula sa past relationships niya at iba pang taong nakasama niya noong struggling pa lang siya sa showbiz.

Natatandaan namin ang kuwento ng isang kilalang aktres, “Pikon ‘yan, hindi totoong nakangiti lang siya lagi kapag may isyu sa kanya, at the back of his mind, nagmumura na ‘yan.”

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

In fairness, hindi mo naman talaga mapapansing hindi maganda ang ugali ng kilalang aktor dahil laging nakangiti, malambing sa entertainment press, maayos makipag-usap sa executives at higit sa lahat sa mga kapwa niya artista.

Actually, na-witness namin na nakasimangot ang kilalang aktor (hindi niya kami nakita, sadyang hindi kami nagpakita) nang pumunta kami sa shooting ng TVC at sa taping din ng show niya. Masama ang mukha niya habang seryosong nakikipag-usap sa production staff na kataasan ang ranggo.

Hindi naman siya sumisigaw, pero may diin ang pakikipag-usap niya at demanding pa, at higit sa lahat lagi siyang late sa set.

May isa pang nadiskubre ang mga nakakatrabaho ng kilalang aktor, “Nuknukan siya ng kuripot, hindi siya nagbibigay man lang ng mga iniendorso niyang produkto, samantalang lahat ng kasama niya sa show kapag may gift-giving, nagbibigay, siya waley, as in.”

Hala, kuripot si kilalang aktor? Parang malayo naman sa pagkakakilala namin. Pero ang mismong executive ng kilalang TV network na ang nagkuwento na sa amin.

“May inihanda kaming gift-giving para sa isang foundation, pero hindi siya nakipag-cooperate at wala ring sinabi, as in dedma lang siya,” sabi sa amin. “Kaya ‘yung sinasabi ng iba na generous siya, baka sa kanila, pinipili lang at sa taong pakikinabangan niya. Hindi totoong generous ‘yan.”

Pero ayon sa ilang non-showbiz friends ng actor na nakakausap namin, generous naman daw at hindi suplado.

Ang hindi rin namin mapaniwalaan ay ang sinabi ng ex-girlfriend niya:

“Si ______ (aktor), naku, naku, kung alam lang ng lahat, ang galing niya mag-switch ng mood.”

No wonder, galit na galit sa kanya ang ilang ex-girlfriends niya na nasa showbiz din.

Good thing, mabait at marunong makisama ang manager niya at pinupuno ang mga pagkukulang ng kilalang aktor na hindi naman halatang may kakaibang ugali. (Reggee Bonoan)