MAGBABAHAGI ng kuwentong kapupulutan ng aral ang child star na si CX Navarro kasama sina Pokwang at Ruffa Guttierez sa pamaskong handog ng Wansapanataym Presents: Raprap’s Wrapper ngayong Linggo (December 6).

Dahil hikahos, laging naiinggit si Raprap sa marangyang buhay ng kanyang mga kaklase. Gusto niyang mapalitan ang lahat sa buhay niya, maging ang kanyang inang si Sioneng (Pokwang).

Maisasakatuparan ang kanyang hiling nang makapulot siya ng isang gift wrapper na may kapangyarihang palitan lahat ng ayaw niya sa kanyang buhay. Uumpisahan niya sa kanilang barung-barong na magiging isang mansiyon at isusununod ang kanyang nanay na magbabago bilang ang sopistikadang si Connie (Ruffa). Pero sa pagtagal ng panahon, mararamdaman niya ang kaibahan ni Connie kay Sioneng at gugustuhing bumalik na lang ang lahat sa dati.

Ngayong nabago na lahat ng bagay na inaakalang niyang walang halaga, maibalik pa kaya ni Raprap ang lahat sa dati? Maging kuntento na kaya siya sa kinagisnang buhay?

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Ang Wansapanataym Presents: Raprap’s Wrapper mula sa panulat nina Mari Lamasan at Raymond Diamzon at sa direksyon ni Darnel Villaflor.