Hiniling ni Pangulong Benigno Aquino III sa mga miyembro ng Filipino community sa Italy na piliin ang tamang hahalili sa panguluhan sa halalan sa susunod na taon upang maipagpatuloy ang mga natamo ng kanyang administrasyon sa nakalipas na limang taon.

Sinabi ng Pangulo na kailangang piliin ng mga Pilipino ang isang bagong pangulo na maglilingkod nang walang pag-iimbot sa bansa at poprotektahan ang interes ng mamamayang Pilipino.

Inihalintulad ng Pangulo ang buklod ng lider ng bansa at ng mamamayang Pilipino sa relasyon ng isang mag-asawa, tulad ng kanyang mga namayapang magulang na sina Senator Beningno Aquino, Jr. at President Corazon Aquino.

“Hinahanap natin ang katugma: Katugma ng puso, katugma ng pangarap, tugmang pagkakataon na may pinunong uunahin kayo at handa naman ninyong ambagan para marating ang mga adhikain natin,” aniya sa mga Pilipino sa kanyang talumpati sa Ergife Palace Hotel sa Rome.

Tsika at Intriga

Sey mo Julie Anne? Vice Ganda, nag-joke tungkol sa 'Anong kinakanta sa simbahan?'

“At gaya nga po ng aking ama at ina, talaga pong anuman ang narating o mararating ng isang bansa ay dahil sa pagtutulungan, tiwala, at pagkakaisa ng pinuno at ng publikong kanyang pinaglilingkuran.” (PNA)