KINULIT namin si Alex Gonzaga tungkol sa lovelife niya nang mainterbyu namin siya sa presscon ng Buy Now, Die Later na entry sa Metro Manila Film Festival ng Quantum Films, MJM Productions, Inc., Tuko Films Productions at Buchi Boy Films mula sa direksiyon ng batambatang si Randolf Longjas.

Ibang-iba kasi ang aura ngayon ng luka-lukang kapatid ni Toni Gonzaga, na parang nakadroga sa sobrang kakulitan.

Hindi itinanggi ni Alex na may regular date siya at ayaw pa niyang amining boyfriend na o sinagot na niya dahil may sinusulat daw siyang libro at gusto niyang doon unang mabasa ang kumpletong detalye ng lalaking nagpapasaya sa buhay niya ngayon.

Ilang lingo o buwan na silang nagdi-date ng guy?

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

“Exclusively dating, mga four months na,” sagot ng dalaga.

Kumusta naman ang dating–dating nila?

“Mabulaklak siya,” sagot na sinabayan ng malakas na tawa.

Sabi namin kay Alex, umayos siya ng sagot dahil naguguluhan kami.

“Ate Reggee, galit ka na naman,” ganting sabi sa amin.

Ayon sa malokong anak nina Daddy Bono at Mommy Pinty, ang pagkakakilanlan ng guy ay, “Non-showbiz siya. Ayoko munang sabihin kasi private silang tao, eh. Ang estado ng relasyon namin, namumulaklak siya. Sabi ko sa kanya muna, ‘Kiss now, tayo na lang later.’” sabay tawa ulit ng dalaga.

So, kiss muna sila saka niya sasagutin?

“So, ayoko munang i-reveal kasi lahat ‘to nasa libro,” malayong sagot ni Alex sa tanong.

So, pumayag na pala ang parents niya na may manligaw sa kanya?

“Ano, sa mommy at daddy ko kasi, kapag meron akong ipapakilala sa kanila or merong nanliligaw sa akin, sila na kaagad ‘yung mag-a-approve. At ang dami na nilang sinabi, nakagawa na sila ng sarili nilang libro. Wala naman silang sinabi (na ayaw). Pero sabi ng mommy ko, mawawalan daw sila (guys) ng gana kapag hindi kami sumusunod sa curfew.”

Anong oras ang curfew sa kanya? “Twelve midnight.”

Nakilala raw ni Alex ang guy through common friends nila, na hindi naman daw niya kilala.

“Gagawa kasi ako ng libro about dating, so bigla ko siyang nakilala,” say ni Alex. “Hindi ko nga alam! Alam mo, may nagpakilala sa amin na hindi ko kilala. “Hindi ko talaga siya personally na kilala,” magulong sabi ng aktres.

So sila na?

“Hindi pa, pero magpapakasal na kami, joke lang,” birong sabi ng dalaga.

(Editor’s note: Bukas po, ang bukingan.) (REGGEE BONOAN)