Isang miyembro ng Manila Traffic Parking Bureau (MTBP) ang namatay nang masagasaan ng tren habang umiihi sa gilid ng riles sa Tondo, Maynila nitong Martes ng gabi.

Dead on arrival sa Ospital ng Tondo ang biktimang si Francisco Garcia, 40, volunteer member ng MTPB.

Batay sa report ni P/Supt. Alex Danile, Station Commander ng Manila Police District (MPD)-Station 7, dakong 8:00 ng gabi nang maganap ang insidente sa riles ng tren sa Jose Abad Santos Avenue kanto ng Antipolo Street, sa Tondo.

(Mary Ann Santiago)

Tsika at Intriga

Doc Willie tapos na sa 1st round ng chemo: 'Pasensya na wala na 'kong buhok...'