CAPAS, Tarlac — Naligo sa sariling dugo ang isang 42-anyos na lalaki na inatake ng hindi kilalang armado at binurdahan ng saksak sa katawan habang natutulog sa Pineda Street, Bgy. Cubcub, Capas, Tarlac.

May hinala ang pulisya na paghihiganti ang motibo sa pagpatay sa biktimang si Marcelo Ablao ng nasabing barangay.

Sa imbestigasyon ni PO3 Aladin Ao-as, bago ang krimen ay kinausap ng biktima ang asawang si Jocelyn na matulog kasama ang tatlo nilang anak sa kabilang kuwarto dahil sa personal na problema at nais niyang mapag-isa.

Nang makatulog na ang pamilya ay pumasok ang hindi nakilalang suspek sa tinutulugang kuwarto ni Ablao at pinagsasaksak siya.

Probinsya

Atimonan mayor, kinondena pamamaslang sa 10-anyos na batang babae

Patuloy na sinisiyasat ng Capas Police Station ang kaso tungo sa ikaaaresto ng suspek na nakasuot ng itim na jacket at sumbrero at nakita ng isang saksi na maaaring makatulong sa paglutas ng kaso. (Leandro Alborote)