MARAMI ang sumuporta sa 20th anniversary celebration sa Gateway Cineplex ng Bubble Gang (BG).

 

Higit na naging espesyal ang okasyon sa pagdalo ni GMA Network Chairman at CEO Felipe L. Gozon na hinandugan ni Michael V. ng kauna-unahang kopya ng IMBG: I Am Bubble Gang (The Bubble Gang 20th Anniversary Commemorative Comedy Chronicles). Binigyang-pugay naman ni Atty. Gozon ang lahat ng mga bumubuo ng BG at nagpasalamat sa patuloy na pagiging bahagi ng programa sa kulturang Pinoy.

“Gusto ko lamang magpasalamat, sa ngalan ng GMA Network, sa mga bumuo at kasalukuyang bumubuo ng Bubble Gang dahil ito ang pinakamatagal na TV comedy series,” sabi niya. “Ang Bubble Gang din ang nagbibigay sa ating lahat ng tunay na Pinoy jokes, gags, sketches, parodies at spoofs. Ang Bubble Gang din ang nagbibigay sa atin ng pinaka hindi malilimutang mga characters na tumatak sa pop culture. At sa pagbibigay sa mga Pilipino ng tuwa at kaligayahan linggu-linggo at higit sa lahat sa pagiging isang phenomenon. At ito ay in good times and in bad times, in our country’s highs and lows, ito ang tunay na comedy series for all seasons.”

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

 

Nakisaya rin ang buong creative at production team ng Bubble Gang sa pangunguna ng direktor ng programa na si Uro dela Cruz at program manager na si Bang Arespacochaga. Proud na proud ang cast members na sina Andrea Torres, Antonio Aquitania, Arny Ross, Betong Sumaya, Boy 2 Quizon, Chariz Solomon, Denise Barbacena, Diego Llorico, Jackie Rice, James Macasero, Jan Manual, Juancho Trivino, Max Collins, Mikael Daez, Mycah Flores, Paolo Contis, RJ Padilla, Roadfil Macasero, at Sef Cadayona.

  

Lalo pang umapaw ang kasiyahan nang dumating ang ilan sa former cast members na sina Ara Mina,Sherilyn Tan, at Maureen Larrazabal.

 

Nagkaroon ng pagkakataon ang lahat ng mga bisita na mapanood sa unang pagkakataon ang pinaghirapang documentary ng Bubble Gang. Bukod sa mga paboritong karakter, ipinakita rin sa docu kung paano sinasalamin ng Bubble Gang ang pagkatao ng mga Pinoy.

 

Patuloy na makisaya sa Bubble Gang tuwing Biyernes ng gabi pagkatapos ng Because of You sa GMA.